Una sa lahat, nirerespeto ko at nakakiramay ako sa mga pamilya ng mga nasawi sa Kandahar Helicopter Crush, sila'y kadugo naming mga beterano sa warzone, 'wag na natin sila tawaging bayani baka may mang-asar na naman sa ating mga OFW pag tinatawag tayong bagong bayani. Bagong Bayani lang tayo sa revenue pero di naman talaga ganyan ang turing sa atin... tayo ang mga makakatas na inahing baka.
Nainterview ako last night ng taga-GMA 7. Nagpakilala siyang Rolly, kaibagan ni Blogistang Mulong (Naks Naman), o baka sya na mismo yun. Itinago ako sa tunay kung palayaw, hehehe! Tikas!
Five questions yata ang pinaka-main na tanong nya, at yun ay recorded. I trusted GMA 7 dahil may mga kumpare ako dyan at mga naka-dikit na rin na mga reporters. Pero ang GMA na walang 7 ay hindi dapat at kahit kailan man dapat paniwalaan . Sana kung ii-ere ni Rolly ang phone interview, buo at wag putol-putulin para lang maiba ang meaning.
Ito ang mga tanong.
Kamusta na ang buhay ng Filipino sa Afghanistan, ano ba ang buhay ng OFW sa Afghanistan?
Hindi ba nababahala ang OFW dito sa Afghanistan sa pinaigting na travel Ban?
Hindi ba kami natatakot dito sa Afghanistan dahil sa pagkakamatay nung 10 Pinoy sa pagbagsak ng Mi-8 Helicopter sa Kandahar Airfield?
Ano ang work ko dito at ano ang work ko sa Iraq?
Ilan ang Pinoy sa Afghanistan?
Ang ultimate na tanong ito na maaaring yun ang trick dun, paano nakakarating ang OFW sa Afghansitan?
Ito ang mga sagot ko, sa maraming sagot ko at dahil may birthday nang gabing yun (July 23, 2009) medyo iniwan ko ang mic at ang kantang "Lady" para pagbigyan si Rolly. At para sa entry kong ito hahabaan ko na.
Usual ang buhay ng Pinoy sa Afghanistan, trabaho sa umaga, bonding after work, shopping pag day off, inuman pag may okasyon at videoke ang hindi mawawala. Tulad rin kami ng ordinaryong manggagawa, napunta dito para mag trabaho, kumita, mag-ipon, maglibang. Makikipagsaya sa mga kaibigang patuloy na nagbibigay ng tiwala, tulad ng mga Kano. Nalulungkot rin kami pag tinatamaan ng homesick. Masaya kami pag pay day at pag may extrang income. May naiinlove at may napo-fall out of love. Kasi tao pa rin ang OFW sa gitna ng Iraq at Afghanistan. Ang term na pakikipagsalaparan ay generalized... kahit saan ka nakikipagsapalaran ka. Kahit nasa Pinas ka, kahit wala ka sa warzone, kahit nandoon ka sa Vatican kung ang pakay mo ay upang itaguyod ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya ikaw ay nakikipagsalaparan.
Mali kasi ang imagination ng ibang tao sa sa salitang pakikipagsapalaran dito sa Afghanistan at doon sa Iraq. Akala nila pakikipag-pantentero sa lumilipad na bala para makatawid papasok sa upisina..Ala ey... mali po kayo. The phrase "search for greener pasture" knows no boundary. And the term itself is packed with struggles and sacrifices and great deal of INTELLIGENCE. The cow in the field sees no fence and respect no boundary if there is abundant food across, di ba? Gigibain nya ang bakod mo pag alam nyang mas matataba ang damo sa kabila, at yan ay kasalanan ng may-ari ng baka dahil hindi nya ginawan ng paraan ang kanyang tumana na magkaroon ng masaganang damo. Hindi nga kami mga baka pero pareho ang pangangailangan namin sa greener pasture.
Dito sa Afghanistan, mas malaki ang chance na magkaroon kami ng maayos na buhay at pamumuhay at napakaliit ng tendency na madisgrasya kami or umuwi kami ng luhaan, pero sa Pinas wala ka na ngang chansa, malaki pa ang chansa mong mamatay sa gutom, ma-abuso, masaktan ng ibang tao, at may tendency kang gumawa ng bagay na labag sa kalooban mo para lang magkaroon ng magandang buhay....AND FOR GOD SAKE, hwag na sana makipagtalo sa amin ang mga taong wala naman dito at nakakakita ng paligid ng Iraq at Afghaninstan. Hwag nyong imaginin ang mga war movies or mga video sa YouTube dahil noong unang panahon pa yan. Nangyari yan sa kasagsagan ng shooting war. May shooting war dito pero naka schedule at dun yun sa walang maraming Kanong sibilyan. Natural dun nila dadalhin ang barilan malayo sa tendency na magkaroon ng civilian casualties..common sense po iyan. At papayag ba naman sila, ang NATO at UN na makalapit ang kalaban..halleeeer!
Walang mas magaling kesa sa amin pag dating sa sitwasyon dito at wag nyo paniwalaan ang ibang mga duwag na media natin... nakiki-interview lang yan at walang first hand view yan dito. Exempted ang Kapuso Network syempre hehehe! bias ako e... (what's up Ederick Villegas...inum tayo pag uwi ko!)
Wala dito ang Philippine Embassy!
Wala dito ang DOLE!
Wala dito ang DFA!
Wala dito ang Malacañang!
Walang Filipino Media dito!
Wala silang lahat dito na nagsasabing NAKAKATAKOT sa Iraq at Afghanistan... nandun sila sa laban ni Pacquiao, nandun sila sa political meeting nila, nandun sila sa EDSA at nagpapapogi...
Nandun sila sa lugar malayo dito habang ginagastos ang contribution ng OFW sa Iraq at dito sa Afghanistan na 13 Billion Pesos annual revenue... Nandun sila sa greener pasture nila....tapos kami na nasa lugar na ito..idadamay nila sa pagpapagwapo nila sa 2010 election, pero kahit wala naman kami...gagamitin nila ang names namin upang bumoto sa kanila as absentee voters..di ba sobrang abuso na yan?
Ngayun paano nila nalamang ganun pa rin ang sitwasyon dito? E nung first term pa nila yun? Naalala ko nang pumunta si Roy C. sa Baghdad... pag uwi nakasabay ang mga magbabakasyon, finish contract at mga terminated na OFW at ito ang sinabi....hahahaha! Nag-media exposure e nakumbinsi nya raw ang mga kakabayan nating umuwi at sumunod sa travel ban hahahaha! chance passengers nga lang sila e. Na-timing pang may incoming nun sa Baghdad...parang daga sa bilis mag-bunker...WTF! Eto namang mga sawing kababayan natin matapos magpasaway dito, gagawa ng istorya na nakakalungkot para makahingi ng tulong sa gubyerno... tapos mandadamay... whooow! (ayan natatawa tuloy sa kaniya yung sadikk kong Afghan.. Roy are you f_kin' kidding me)
Bakit kami mababahala sa pinaigting na ban... e kada may bad news...laging ginagamit yang PINAIGTING.... isa lang ibig sabihin nyan..mas malaki na lagayan. Yun pong mga OFW na namatay sa pagbagsak ng helicopter ay aksidente...at yan ay very elementary...nangyayari yan sa lahat ng sulok.. aksidente nga e..halleeer! Ipagpalagay pang hostile fire yun lagi namang may ganynang opinyon e..laging may hostility kahit saan. Hindi solusyon ang travel ban..yan ay solusyon ng mga taong tamad mag isip. Nakidnap si Dela Cruz sa Iraq, alam nyo ba bakit na-kidnap yun? ilan ba silang nakidnap na OFW....hindi lang kasi mga blogista yung mga nakasama nyang nakidnap e.. kundi lahat kayo magigising sa katotohanan...pataka lang bitaw'g istorya kining mga dili bisaya.
Pinauuwi kaming may magandang buhay dito, para ano? Willing naman kaming umuwi kung meron silang alternatibo na pwedeng ipalit sa offer na oppurtunity dito...e kaso nga wala!..puro pauwi na lang pauwi. Ano gagawin namn sa Pinas, a-attend ng TESDA para mag-titinda ng kakanin? Global Crisis na nga dadagdag pa kami sa unemployed. NI walang siguradong lilipatang kumpanya sa ibang bansa para sa amin e. Hindi madali ang lahat gaya ng naiisip nila. Saka paano kami bubunutin dito? E kami ay under ng isang legal na kontrata ng aming mga kumpanya...maaring labag sa mata ng gubyerno ng Pilipinas ang pagpasok namin dito, pero legal ang contract namin, sige nga kung matalino kayo.. i-void nyo nga ang kontrata nang mabibin ang mga istraktura dito at iba pang proyektong funded ng UN, US at NATO. Hindi tayo naghahamon, pero hindi kami mga botanteng nag-aabang ng bibili ng boto at madadaan sa bolahan, maging makatotohanan tayo sa mga pinapahayag natin. Kasi kami ay di nakakaharap sa media, kaya sila lang ang nagsasalita at sa mga pahayag na binibitawan nila ay nababahala ang aming mga pamilya at kaibigan.
Kung matataandaan nyo sumulat tayo kay VP de Castro noong 2007 dahil sa maling akala nila sa sitwasyon dun sa Iraq at dito http://www.gmanews.tv/story/68519/OFWs-appeal-Lift-the-ban-to-Iraq-Afghanistan. Wala kasing eleksyon noon kaya dedma tayo, hehehehe! E ngayun may magandang istorya bagay sa election season..ayun habulang daga na naman sila. Kung ilang beses na sinasabing hindi sulusyon ang BAN sa issue... pero ginigiit pa rin nila...ilang taon na ba ang travel ban? pero mas marami yata ang nandito ngayun kesa nung unang lumabas ang ban. So ano ibig sabihin nyan?
Mas marami ang naakit matapos may mga OFW na nakauwi at nagbigay ng mga patotoo na mas luntian ang damo rito at ang kinatatakutan ng pamahalaan ay malayo talaga sa katotohan. Mabibiktima ka rito kung puro pera iisipin mo, tulad rin kung nasa Pinas ka. Tama ba?
At dahil sa pinupulutan na naman ang travel ban sa lahat na tumpukang ang iinuman, wala munang magbabakasyon amin...haaaay! miss ko na ang San Mig Lights.. postponed! Mauudlot ang inaasam na relaxation dahil lang sa di pinag-iisipang travel ban.
May debate na ba sa travel ban? or trip-trip lang.
Ilan daw ba ang Pinoy sa Afghanistan? Well kahit scientific calculator gamit ko...di ko mabibilang sila at wala akong balak bilangin sila dahil di ako taga Census Office. Ang masasabi ko kada kumpanya dito palagay may Pinoy...e kami ang kanilang Dragon Balls dito e...kami ang bato ni Darna... at pag nalakad ka sa Kabul City, daming tatawag sa yo ng "pare", sa loob ng military base, tatawagin kang "kabayan" so marami kami. Sa sobrang dami at sa laki ng sweldo namin, sabi nga ni Engr. Ted Mirasol at Engr. Jorge Javelosa... ang laki ng revenue ng Afghanistan kesa sa OFW ng Taiwan, marami sila in terms of volume pero ang per capita dito...hey! ang laki talaga.
Isa rin ang tanong na kung di kami nababahala sa pagbagsak ng Mi-8 Helicopter sa Kandahar Airfield, ang sagot ko bakit ako mabahala. Nag eeroplano ako pag pumumunta sa Kandahar. Isa pa disgrasya yan, walang may gusto nyan at alisin natin ang espekulasyon, masyadong wild ang imagination natin. Wala ngang nabahala sa paglubog ng mga barko ng Sulpicio Lines na mas marami ang namatay, nang atakehin ng terorista ang LRT at ang Makati, wala ngang nabahala, tuloy ang buhay di ba? Nalungkot kami syempre dahil bukod sa pumanaw sila sa isang tradehya, nariyan pa ang mga pangarap na nabinbin para sa kanila. Ang kinabukasan ng mga anak at ng lahat na umaasa sa kanila ay nawala na parang bula. Pero under sa Defense Base Act or DBA, mandatory yan dito, sila ay tatanggap ng insurance. Kung sa Pinas kaya sila nadisgrasya, may insurance kaya? Hwag kang plastic, alam mong wala! Meron SSS or GSIS...pero dudugo ilong mo bago ka makuha..gigimikan ka pa..
Ano raw ba work ko sa Iraq at ano ang work ko dito..well pareho lang pero syempre tumaas lang ng konti ang posisyon. Iyan din ang advise ko sa mga kababayan nating pupunta dito, kung ordinaryong karpentero ka or mason, dapat pagdating dito, leadman ka na or foreman, kahit di mo pa naranasan kasi lamang ka na sa mga lokal dito e dahil articulate tayong pinoy. Ang sistema natin ay pasok sa panlasa ng mga expats dito. Saka kung kapareho mo lang ang lokal dito, mas pipiliin sila dahil mura ang labor pay nila. Bukod dun kakaunti ang leadmen or foremen dito, kakaunti ang supervisor na local dahil wala pa yatang trades school dito pero may mga universities sila. Kaso mas marami ang hindi kayang mag-aral dito, kaya kakaunti ang qualified mag lead. So maganda ang pagkakataon natin dito upang yumabong sa larangan natin.
Ito ang pinaka-cream of the crop na tanong, paano nga ba kami nakakarating dito? OK..ang hint ko yung luma nang style na alam ng marami..dumadaan daw yung iba sa Dubai. the rest...SECRET! ano kayo hilo? E di nahirapan naman kami...basta sa amin dito, ang pagpunta rito ay calculated risk!
Si Sgt. Calangian yan nakita ko sa Kandahar Airport, K9 Handler sya dun.
Yan si Ronaldo Dorado, ang matikas na Lead Scheduler..tanging TCN ng Taji na Certified ng KBR sa Scheduling..kasama ko yan dito. At si Mark Wilson ang brick mason. Ito si Danny, ang "hero" ng Camp Taji, Iraq at nagkita kami dito sa Kabul kagabi.. back in the old days...
8 comments:
Sa mga pictures pa lang nakakatakot na, he he he.
may malaking advantage din ang pakikipagsapalaran dyan sa afghanistan, basic salary pa lang sobra pa sa labis, plus mga insentives pa at hazard pay and many more.. i was also given a chance for possible employment there last year pero medyo nag alinlangan.. i have a lot of friends there also an Engrs, ang laki na ng asenso sa kanilang buhay... Parekoy, ingat lang palagi, i know risky sa lugar na yan. God Bless parekoy.
Included ka sa blogroll ko.
Alam mo naman tayo minsan, para lang maging kahanga-hanga sa pictures, nagpapapicture ng kahindik-hindik hehehe! Pero hindi naman bro, ok kami dito.
Sana nakarating ka dito, masaya dito at mas maganda kesa sa Saudi...malaya tayo dito.
Salamat sa pag include sa blog roll..lagay ko na rin link mo sa akin..
atleast nagkaron sila ng hint kung paano nabubuhay ang mga OFWs sa warzone.
Salamat na lang kay kuya Abe at sayo. nadiligan kahit paano ang mga utak ng mga taong nagkakalkal kung paano kayo nakarating jan... (hamo nga silang mag-isip kung paano!)
Nagtataka lang ako, masyado nilang pinoproblema ang mga OFW sa warzone kung saan pag pinabalik naman sa Pinas ay wala naman ni singkong duling na ibibigay dahil undocumented daw! Nanghihinayang sila sa mga buhay ng mga ito? eh ang buhay na umaasa sa mga OFW na ito, hindi kaya nila pinanghihinayangan?
Hanga ako sa inyo... matatapang kayo. kayo ung buo ang loob upang mabigyan ng magandang buhay ang bawat pamilya nyo.
Udlot pala ang pag-uwi nyo dahil sa issue na ito... sayang naman...
ingat dyan... at magdasal palagi....
Salamat din Azel.
Nasisira ang concentration ng OFW dito, gabi-gabi yang ang topic. Kasi nga naman, masyadaong na-exploit ang story, yung pamilya ng mga nandito laging nag-woworry. Paano raw kung mapauwi, paano na yung kararating lang, paano na yung ilang years nang di nagbabakasyon, paano na yung marami pang obligasyon, paano yung may emergency....
napakadaling mag request dito kung uuwi ka, kaso pano ngayun ang pabalik?
nganong nasuko man ka dong oi.
I have read na the dead wwill be accorded with the full benefits daw ng POEA at OWWA.
Anyways, i always admire people na susuungin ang bala at kanyon just for the sake of a better future ng family at generations to come.
Ang wish ko lang, malaking wish ito.
After all we are doing working here and keeping the economy afloat, sana naman, may ginagawa ang government para maging maayos ang lahat at paglaki ng mga anak natin, di na nila kelangan mag-abroad.
Pero parang wish at hope sa hangin yan.
Congrats for this worthy post, sana ito na ang entry mo sa PEBA, haha. Patago, baka pwede idagdag sa book na cocompile namin. hehe
sana nga ito ang entry sa PEBA...for sure madaming mag agree sa lahat ng sinabi mo dito...
i really admired ur way of writing wg lng about sa channel 7(hahaha)
gudluck!
may God guide u always!
Malaki sanang advanatage kung walang ban, kundi mahigpit na monitoring lang para di mapunta sa sulok ng Iraq at Afghanistan ang OFW.
thanks for dropping by, guys!
regarding sa another entry,yung may bomoto lang sa entry ko OK na e..at pumasa sa panlasa ng PEBA e malaking honor na sa akin...ang mahalaga masaya tayo! sino man ang manalo... panalo na rin kami...
Ang ganda ng pag-kaka-sulat kabayan. Ngayon ko lang na-in-tindihan na mukhang mas first class citizen pa ang pinoy sa Afghanistan kesa mga lokal. Totoo rin na mas delikadong tama-an ng lintek sa Pinas na walang coverage kesa ma-aksidente sa Afghanistan o Iraq. Ingat lang kayo diyan at nawa'y makabalik kayo sa Pilipinas na maginhawa at hindi na kakea-ilanganing lumayo sa pamilya ulit. Ako nasa NY pero na-iinis na rin sa sitwasyon dito. Mapa-aga ang pagrere-tiro ko.
OK...inom-inom lang gamay ayaw ka-ayo pag-hubog-hubog.
Regards sa tanan bisdak.
JJ:>)
Post a Comment