Friday, June 26, 2009

WHAT'S LIFE WITHOUT MICHAEL JACKSON


Ako na lang muna papalit kay MJ.
(para akong si El DeBarge hehehe!)

Imagine? Moonwalk lang ang pinaka-kabisado kong dance routine kasi mga dekada ochenta at noventa ang aking kabataan. Yung mga sayaw na para kikinsot, alam mo ba yun? Thriller dance yun at yung high kick and leg twist tapos ita-tap mo ang paa mo, Beat it yun. Meron pang isa, yung hahawiin mo sa side ng damit mo then pa-funky-funky yung kamay mo..Billy Jean yun..

Siguro lahat naman tayo, batang-MJ..Michael Jackson! Mayabang ako dati dahil may album ako ng Thriller, yung cassett tape pa nga uso nun... first dance ko sa Manila when I arrived from two years stay in Cebu, Michael Jackson ang sayaw ko hahaha! That't was 1985, tinawanan pa ako ni Buboy yung kababata ko sa Navotas na tumakbong mayor.Pati utol ko, parang nahihiya sa pinaggagagawa ko noon. E uso nga si MJ e. Asar lang sila kasi kakulay ko si MJ at MJ moves ako nun. I remember nag dance number pa kami nung high school under Mr. Morla, ewan ko english subject yun e, english musical dawe ... so Smooth Criminal ang ginaya namin... yung nag-lean forward si MJ dun.

Malaking impluwensya si MJ e. Para nga di nakakahiya, pag wala pang pambili ng pants dati, at bitin na ang pants mo... uuy! Michael Jackson ah..hehehe! totoo lang walang pera mommy ko nun.

I could say kahit complex ang influences ko sa music, Michael Jackson was a big part of my musical side. Nasa Saudi na nga ako last year, namba-bad trip pa ako sa mga ibang lahi, kasi may MJ vcd dun na music video..palagi kong pinapanood at ang sound malakas...habang nag luluto ng Sadike (Saudi cops..hulihin nyo ko.....).

Uniter si MJ ng black at white, maraming siyang music records na siya ang unang nakagawa, at mga records ng kasutilan syempre , ganun paman isa s'ya sa nagpausbong ng black music industry sa mundo. I don't need to talk so much about his life and career kasi konti lang alam ko jan..basahahin nyo na lang sa internet...pero as of now, maglalaban muna kami ni Wes, yung black na lawyer dito, sa paramihan ng kabisadong kanta ni MJ. Gusto ko lang i-dedicate ang isang portion ng blog ko kay MJ, that's it..bilang pasasalamat sa contributions nya.

Wala naman akong personal encounter with MJ, he is just an idol and I am a proud big fan. Anuman ang naging kulay ng buhay n'ya, para sa akin lesson at insperasyon na dapat nating pulitin, at i-absorb. H'wag tularan ang mistakes n'ya na palagay ko yun din ang ipapayo nya, pero gayahin natin ang ang diskarte nya tungo sa pag unlad.

h'wag natin i-deny, we all have skeleton in our closets... kaya sa mga may bad opinion kay MJ...
Beat it!

Anuman ang preference ni MJ...para sa akin, He's the Man!

Go peacefully with our Lord, MJ and teach the angels how to do the moonwalk.

Rest in Peace, bro.

3 comments:

Bomzz said...

hahaha kaya naman pala.. lahat ng 70's babies ay naabutan ang kasikatan ni MJ...

natawa ako sa pics mo ah.. kuhang kuha ang kulay... galing mo pre..


at buhay pa si Michael Molit... nag aapply pa nga sa dubai.. hehehe

Tribute buong araw kong pinatugtug yung Dangerous album niya....

lenz said...

hahahaha ayos na ayos si rio mag kamukha kayo ni michael jackson...lolzz

Emelyn Quinit-Holmes said...

wow...galing mo naman,.natawa tuloy ako ;-)
1982 labas ng Thriller yan din ang taon na lumabas ako sa mundo hehhehe..
Nakakatuwa naman ang buhay bata mo,,,hehehhe bibong bibo...

Blog Widget by LinkWithin

The Journey by Leah Salonga

TPHigh 1989 Sa'n Na Nga Ba'ng Barkada?

TALIBANS IN THE NEWS AGAIN (Actual Footage)

JUST TO LET YOU KNOW THAT I KNOW

Sign by Danasoft - For Backgrounds and Layouts