Ano ba makukuha ng OFWs sa "legalized kotong" na ito? Ikaw na reader, ano ba para sa 'yo ang ang Pag-IBIG? Di ba first thing that would come to your mind is housing loan? Correct! Dahil this contribution would be for the Home Mutual Development Fund (HMDF) of Pag-IBIG. Magiging eligible na nga naman ang OFW for housing loan, kung trip mong mag housing loan. Kung di mo trip, pugo nila ang P600 mo para sa capital nila!
E paano kung every 2 years ang renewal of contract mo at every 2 years ang bakasyon mo, so balewala na sayo ang P600 pesos dahil kada dalawang taon ka lang magbabayad ng Balik-Manggagawa kung sakaling kasama ito dun. Parang magaan di ba? Pero nasaan na yung P600 mo na binayad mo nung unang alis mo? Nasa Pag-IBIG pa rin syempre, tambay lang yun dun, pag trip mo nang pakinabangan, bayaran mo yung balanse kasi pang 6 months lang yun e. Kumbaga di ka nagbayad ng ilang buwan habang nasa abroad ka at nagpapaka-kuba sa trabaho.
So pwede pa rin! Paano kung na-leche employment mo? Natural kakalimutan mo yung P600. Maliit lang e. Paano kung 1,000 kayong na-leche sa buong mundo, magkano na yun? Paano kung buwan-buwan may 1,000 OFWs ang naleleche sa buong mundo, magkano na yun sa isang taon? Magkano yung contribution na hindi napapakinabangan ng nag-contribute? Paano kung hindi lang 1,000 OFWs ang nale-leche buwan-buwan sa buong mundo? Ilan silang nagbabale-wala sa halagang P600?
Negative thinker ang dating ko di ba? Pero positive na nangyayari 'yan dahil natutulungan ba madalas ang OFWs? Natutulungan pag na-leche na, kung kailangan ng iuwi ang bangkay. Kung kailangang ilabas sa kulungan, kung overloaded na ang mga embassy sa TNT. Pero yung ma-prevent na ma-leche, nagagawa ba ng POEA? Paano na lang kung hindi na-imbento ang Migrante International?
Mabuti na lang nandyan si VP Jejomar Binay di ba? Kahit di ka matalino alam mong kotong na malinaw yun eh. Sa dami-dami na ngang kumukotong sa Bagong Bayani kuno, sasali pa ang Pag-IBIG? Sa mga taga-Pag-IBIG, ayusin niyo ang buhay nyo para di nalulugi mga pa-bahay niyo, hindi yung mamimilit kayo na maging miyembro lahat na OFWs ng Pag-IBIG.
Mag-abroad din kayo! Maghanap-buhay kayo ng maayos para kumita kayo hindi yung nag-iisip kayo ng pagkakakitaan sa di patas na paraan, na akala niyo mga bobo ang OFWs eh.
Eh kung ayaw ng housing loan dahil may bahay na, pipilitin niyo pa rin? OK din takbo ng isip niyo parang nabilad sa init ang mga utak niyo ah. Baka sa susunod niyan maglalabas ng Circular na mandatory na pasalubong mula sa Duty Free at kailangan sa Duty Free sa NAIA, kundi di ka makakalabas ng airport. Tapos may minimum amount pa ang dapat bilihin, yari na!
Iba na lang pag-tripan niyo. Ibang style ng marketing and fund-generation strategies. Baka mamaya maki-connive naman ang Pag-IBIG sa Land Transportation Office at pilitin ang mga drivers na maging members ng Pag-IBIG, o kaya sa Department of Education, para estudyante pa lang puwede nang mag-housing loan. Madami bang "Dangerous Mind" sa opisina nila? Sabagay, sabi nga walang basagan ng trip, kaso binasag ni VP Binay ang trip nila.
Nagkakalimutan kasi eh, si VP Binay na po ang pangalawang pangulo at wala na po ang Wowowee, naleche na yun! Para 'yang grupong kakilala ko, sa dami ng magagaling di pa sikat lumubog na. Na-over ! Natira puro guts na lang at pag-iisip nila na puro pagtakas sa katotohanang laos na agad sila !
Thanks, Vice President Binay sa maayos na pag-aksyon..simple at akmang aksyon ang ginawa nyo!
1 comment:
Thanks for your article its helped me during the loan process. We saved quite a bit monthly by obtaining the loan you recommended. loan
Post a Comment