Thursday, January 28, 2010

TATAY rin AKO

This is what I have in mind right now....


Si Mommy at ang kaniyang Angels

Na-excite ako ng ilang buwan sa bakasyon ko last year, kaya medyo naiwan ko ang blog ko. And for last few weeks since I got back from three weeks vacation, parang nagsisisi ako bakit bumalik ako sa abroad. Kasi ang sarap sa amin, kasama ko pamilya ko at ang pinakakmamahal kong mommy. Nag-reunion kasi kami, and I realized habang pinanonood ko ang photos namin sa reunion....naisip ko....eto na kami ngayun....!

I remember nung nilayasan kami ni Daddy in 1979, parang nahihiya ako na sabihing hiwalay ang mga professional kong mga magulang. Not necessarily nagkaroon ako ng inferiority complex, mas superior nga tingin ko sa sarili ko until now. Warrior ang tingin ko sa sarili ko minsan, death is not a tool to stand me down. Kahit matapang ako, inaalala ko lang ang magiging feelings ng mga mahal ko sa buhay na maiiwan ko kapag nadale ako (lalo dito sa Afghanistan) kaya rin nag iingat ako husto. Ayoko ng moment of "iwanan", parang ganun.

Madali akong ma-touch about story of somebody leaving the other permanently, lalo in a sad way.

Ibang-iba noon, ikinahihiya ka ng mga tao kapag galing ka sa broken homes, halos laman ang pamilya mo ng usapan sa kalye, at ang nakakainis pa yung mga iniwanan ang parang tinutuligsa nila at hindi yung ungas na lumayas at nag-iwan ng malaking responsibildad.

Kakaiba noon. Kakaiba ang trato sa amin ng kapitbahay kasi walang matandang lalaki sa pamilya, maliliit pa kami ng kuya ko, I was 7 at kung batuhin bahay namin ganun na lang, kasi di kami Katoliko. Maingay raw pumuri sa Diyos ang mga Apostolic Pentecostal kaya puro tipak ng bato ang bubong ng church namin na pinagawa ni mommy sa ibaba ng bahay.

Maliit pa ako nun kaya di makapalag, puro kutos ang inabot ko..pero di nakaligtas sa akin yun! Kahit ang ginawang kagat ng pulang langgam sa paa ko tinandaan ko....kilala ko isa-isa ang may mga kasalanan sa akin... kaya pinangako ko sa sarili ko..papaluhirin ko silang mga animales sila....mag-a-Army ako! Ayokong pinag uusapan kami, lalo ang pamilya ko. Galit talaga ako sa tsismosong kapit-bahay e. Galit akong pinag-uusapan lalo ang mommy ko.

Taong 1996 tinawid ko ang pinaka-makahayup na hazing sa PNP para sa kanila...at binalikan ko ang kalye namin. Di pwedeng palipasin ng panahon ang inugali nila...kahit paano meron rin nanatiling mabuting tao sa kanila, sila yung nakakatikim ng pa-ibabaw sa akin. The rest!-pailalim na. Sayang nga lang patay na yung iba.

Ako dapat papatay dun kapitbahay namin sa banda gitna ng kalye, kaso namatay na siya bago pa ako lumaki. Kinutusan ba naman ako dahil lang sa kalapati na nabihag ni kuya. Kung may tatay ako, magagawa nya ba yun? Nakalawit agad ni Kamatayan e. Nasa listahan ko rin yung bumabato sa bahay, sa awa ng Diyos napatay rin sya sa inuman. Kung may tatay ba ako mababato ba niya bahay namin? Marami pa silang buhay, pero sa ngayun, ayusin ko muna buhay ko hehehehe! Nasa ilalim naman ako e. Huhugutin ko silang mga animales sila one of these days.

Sagad sa yabang din ako dati e....kasi di lang ako basta pulis....alam ko matikas akong pulis ...bawal magsabi sa akin ng salitang "wala yan" kasi sigurado bibigyan ko sila.

Bago ang PNP... lumusot muna ako sa karayum para abutin at tapusin ang MS-43. Nag-Wing Commander pa nga ako e. Kaya nasanay na sa hazing....pinatibay ng panahon. Kaya siguro di ako takot sa Iraq at Afghanistan.

Anyway, side bet lang yan ng kabataan na lumaki sa broken home. Until now..ayokong haha-hara kahit sino..kaniya-kaniya tayong buhay..kaniya-kaniya tayong tapang... dun ka sa kalsada mo, dito ako sa akin. Kung magbebenta ka ng gulo sa akin.. di ka mapapahiya... kaso huwag ka aasa ng patas. Di ako maligalig tao..ayoko lang ita-trato akong mali. Ang akin, kahit di ko masaktan ng direkta basta makaganti ako...kay itago mo ang "my precious" mo. Nabuo ang prinsipyong yan sa dun sa kalyeng yun...sistema lang ang nahubog dun pero di ang buong pagkatao ko.

Ganun pa man, kinalimutan ko ang kalyeng yun...PERO tinandaan ko ang mga tao at mga pangyayari.

TWIST:

Pero ngayun, ang pamilyang broken home ay parang lima singko. Ordinaryo at parang di ka "in" pag di ka galing dun. Hinahangaan ang mag asawang naka-survive ng 12 years of marriage. Although wala akong data, parang napakataas ng naghihiwalay na mag asawa sa iba't-ibang dahilan.

Pero di tulad noon, ang mga magulang na naghihiwalay ngayun, karamihan sa kanila ngayun mas concerned sa welfare ng anak nila. Minsan umaabot pa sa demandahan, kindapan, sakitan o minsan maging sa patayan kung sino ang kukustudiya sa mga anak nila. Meaning may pagmamahal sila sa mga anak, kahit walang maibigay minsan basta makasama once a week -talagang inilalaban nila.

Ngayun isa na akong parent na rin, naintindihan ko ang mga mag-asawang na naghihiwalay sa henerasyong ito. Acceptable siguro ang mga reasons ng hiwalayan nila, at ang over reaction nila sa mga anak nilang apektado.

Ang hindi ko mahanap sa isip ko hanggang ngayun ay yung mga taong humiwalay sa asawa nila noong panahon nang maghiwalay ang parents ko na basta na lang naglaho. Mommy ko lang ang kinakitaan ko ng attitude at concerned sa aming magkakaptid. Kaya kahit anong palusot, kahit anong paliwanag...unacceptable kay Fabe ang 30 years na lumipas.

Malaking pasalamat at kulang ang buong buhay ko para ibayad sa ginawang pagpapalaki, pagmamahal, pag aaruga, pag-pupuyat, pagbabntay, pagpapa-aral at ilang taong pag sisikap ni Mommy para sa aming lahat. Sa liit ng suweldo ng isang public school teacher, pinag-aral nya kaming lahat...nagtapos sa tamang panahon, kumain ng sapat, dinamitan ng tama at dinisiplina sa lugar. Palagay ko, ang pwede kong itumbas kahit paano ay yung maging mabuti akong tao, at mabuti akong magulang tulad niya..isang mabuting ama.

Nakikita ko si mommy sa bubong ng bahay namin noon, tuwing may bagyo, nag-aayus ng butas, minsan nagkakarpentero pa, mga gawing panlalaki na dapat lalaking kamay ang gumagawa. At Isa pa, buti na lang Math Teacher mommy ko at magaling magpaikot ng numero, kahit baon sa utang dati, nakaraos din. Mga diskarte na dapat isang tatay ang gagawa dahil siya ang inatasan ng Diyos na mag taguyod ng pamilya. Madals nga sa jeep, tig-isang hita kami ni kuya, naka-kalong kami para isa lang ang bayad..hehehehe! tapos sabay kami matutulog.

Di pinadama ni Mommy ang kakulangan ng magulang sa loob ng tahanan namin bagkus pinakita niyang siya lang ay SOBRA-SOBRA na bilang magulang. Sa taas na 4ft at 11 inches daig nya pa ang 6-footer sa abilidad, sa bilis at sa talino. Dami niya diskarte noon, na sinusundan ko naman ngayun, magaling na manager sa buhay ang Mommy. Matalino talaga Mommy ko, honor students kaya ang Mommy nung estudyante pa sya. Planning, implementing and controlling ang basic na makikita mo sa kaniya. Lima kaming inakay-akay niya, pero wala kaming malungkot na Pasko at wala kaming nilagpasang birthdays namin. Siya lang yata ang taong may 72-hours in a day.

Hanggang ngayun, higit pa siyang nakakatulong at parang naging nature na niya ang umalalay sa amin gayong may kaniya-kaniya na kaming pamilya.

Kaya ngayun medyo mahigpit ako sa mga anak ko, prevention ika nga ang the best cure. Ayokong masilat at nakakahiya kay Mommy. Siya nga kababaeng tao e..tapos ako, ka-lalaki kong tao, di ba?

Kapag nakikita ko si Mommy, lalong napapamahal sa akin ang asawa ko at ang pamilya ko. Di nila dapat danasin ang naranasan namin. In-upgrade na ni mommy ang pamumuhay namin, so dapat upgraded na buhay rin ang ibigay ko sa pamilya ko. Di naman ako nagmamalinis, naging babero rin ako, siyempre pulis nga e... pero si mommy ang idol ko e, so kahit di itanong, walang approval ang naging style ko.

Mas mabuting asikasuhin ang asawa at ang pamilya, hubugin sila ayun sa taste natin....para di tayo matukso sa iba.

SO ETO NA KAMI, 30 years na ang nakalipas mula ng inakala ng taong nag-iwan sa amin na ikamamatay namin ang paglayas niya....dumami pa kami, lalong sumaya, mas mataas ang rating yata ng pundasyong ginawa ni Mommy (1Million-pounds per square inch, kahit ipa-compression test mo pa)..... at totoo ang mga smiles namin..nakakasingkit talaga ng mga mata.


Five lang kami sa buhay ni Mommy..kita mo kung paano niya pinarami !


Ang mga tunay na saya at smile....mas masaya kami

Kaya para sa' yo.....Di pa tayo tapos!


5 comments:

Gumamela said...

wow, bravo sa Mama mo...
At ang tibay ng loob mo para gawing hamon lht ng pinagdaanan mo..

Isa sa pinaka magandang post mo...

sumasaludo!

bizjoker-of-the-philippines said...

Thanks, Bhing!

Iba ang laban ng buhay noon Bhing...
Bumulusok talaga ang lahat pababa..pero inangat ni Mommy ng mas mataas sa dating level...

Sabi ko nga sa kaniya, paano kung nasiraan siya ng loob noon..ano na kaya kami ngayun?

A-Z-3-L said...

wonder mom!!!

congratulations sa inyong lahat na lumampas at pumasa sa hamon ng buhay.

i know you're mom feels great and honored for having the 5 of you by her side...

sana makuha ng bawat isa sa inyo (hanggang apo sa tuhod, lolz!) ang ugaling yan ng mommy mo. matatag. hindi sumusuko. determinado.

aba eh teka... chickboy ka pala dati? ahahahahaha!

bizjoker-of-the-philippines said...

oo nga. Kailangan malaman nila ang history para pahalagahan nila ang meron sila ngayun...at malaman nila kanino efforts lahat yun...

di naman ako chickbot Azel, easy-to get lang! hehehehe!

Thanks for dropping by.

Anonymous said...

THANKYOU KAY MAME! SI MAME TALAGA ANG LODI!! MABUHAY KA MAME ! 🥰🥰 naging mabuting anak at katulad mo ang papa ko! 🥰🤗 may god always bless you and our Family! ILoveyouuu both mame and papa!

Blog Widget by LinkWithin

The Journey by Leah Salonga

TPHigh 1989 Sa'n Na Nga Ba'ng Barkada?

TALIBANS IN THE NEWS AGAIN (Actual Footage)

JUST TO LET YOU KNOW THAT I KNOW

Sign by Danasoft - For Backgrounds and Layouts