Friday, August 28, 2009

OFW Remittances-Sulbabida ng Ekonomiya

This is what I have in mind right now....


Hundred percent siguro naman lahat ng bloggers marunong magbasa at makaunawa ng binabasa nya.

Ito na yung bendikasyon sa mga sinusulat na laban sa aming OFWs, mga naisulat na kulang sa tunay na impormasyon kundi punong-puno ng adhikaing sumikat sa maikling panahon. At palagay ko nasa ilalim ng kanyang kama at nagtatago sa kahihiyang napala so mundo ng blogs.

Ayun sa balitang 27 August 2009 na naisulat sa GMANews.TV, kung may time kayo basahin nyo..although nakakasawa na at alam na ng milyun-milyong Filipino, pero tila iilang nagmamatali-matalinuhan ang bulag sa katotohanang ito.

Mga kaibigan, ingles po ang balita,


The World Bank had earlier projected a four percent drop in remittances this year but Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco said that signs of a global economic recovery "affirmed the positive outlook for steady remittances for 2009." (hango sa nasabing balita)


Nitong nakaraang June lang record high $1.5 billion ang ipinasok na salapi na itinuturing na nanatiling nagpapalutang sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang tinutukoy rito ay US Dollars, so gaano kalaki yan sa Philippine Peso mantakin na lang na ito ay kalagitnaan palang ng taon? Paano pa pag dating ng buwang ng aginaldo at kapaskuhan.

Dahil naging naughty kayo, wala kayong regalo sa Santa Clause na OFW hehehehe!

Maibahagi ko na rin, na kasama sa bilyon-bilyong pera na iyan ang remittance ng caregivers at nurses (at lahat na bloggers na OFWs) na patuloy na bumubuhay sa ekonomiya ng bansa. Kasama rin dito ang remittance ng tinatawanan nilang domestice helpers at yung mga gumagawa ng "extra" para kumita pa. Sige husgahan nila at ipakita nila ang kanilang KONTRIBUSYON sa malinis man o maruming paraan. Mabuhay tayo sa katotohan na mayroon talagang gumagawa ng di kagandahan. Accepted ko yan, so sino ba ang unang pupukol ng bato sabi nga ni Kristo?

At kung kaya may access pa ang magagaling ng bloggers sa internet, kung kaya may mga serbisyong gubyerno pa ang nakakarating sa kanila at kung kaya mas maalwan pa kahit paano ang kabuhayan sa gitna ng global crisis dahil yan sa OFW remittances. Sisigla ba ang kalakalan sa SM, sa Robinson, sa Divisoria, sa mga sinehan, sa airport, ang lokal na turismo, at iba pang negosyo kung hindi mamimili ang pamilya ng OFW na ipinalalagay na 10 percent ng populasyon ng Pilipinas? Do your Mathematics! At karamihan po sa mga pamilya ng OFWs ay mga negosyate na rin sa Pilipinas, tama ba o mali?

Aba sa text messages at overseas call na lang....panalo na!

So bago gumawa ng artikulo, magbasa nang matuto. Magsaliksik at magtanong-tanong para magkaroon ng sustansya ang laman ng entry sa blog. Minsan sa kagustuhang mag mukhang matalino lalong lumulutang ang kamang-mangan.

Alalahanin dapat..MAS MARAMING MATATALINO SA MUNDO NG BLOG.

Para sa akin, pasalamat ako dahil OFW ako kasama ako sa kahit paano nakakatulong at di ako kasama sa pasanin at pabigat sa lipunan.

11 comments:

Gumamela said...

isa akong caregiver dito sa taiwan...nakakarelate sa lahat ng issues bilang OFW.

being an OFW, it takes lots of patient, guts & perseverance para maattain ang goal ntin...

nakikiisa at patuloy na makikibaka para sa diwang ating ipinalalaban.

bizjoker-of-the-philippines said...

I agree Bhing..

Sa nakita ko, nainspire yata karamihan sa supporters na bloggers ng OFWs sa pag post..may naging makata pa.

ang alam ko, angat tayo sa kanila..
ang pagiging OFW ay isa ring propesyon...

nakakabahala kapwa pinoy pa ang kumukutya...

cheers!

A-Z-3-L said...

ikaw naman... magaral nga ng PANGHALIP eh hindi nya nasundan.. ngayon naman pinapagbilang mo! baka dumugo ang utak nyan Rio! lolz!

and yes, i agree... mas maraming matatalino sa mundo ng blog! at tayo ang nagtatanggol sa mga Migranteng Pilipino na patuloy na inaapi at minamaliit ng ilan...

cmvillanueva said...

isanlibong palakpak para sa post na ito...cheers!

bizjoker-of-the-philippines said...

haaay! mag sikap na lang tayo sa araw-araw nang maging makabuluhan lalo ang buhay natin dito sa abroad..
tama ang kasabihang: ang punong mabunga ay binabato...

magsaya tayo! cheers!
lalo pa sweldo na! yahooo!

ROM CALPITO said...

galing nman ng entry na ito mabuhay po kayo.

hindi ko alam kung sino ba yung bubuwit na makitid ang utak na tumutuligsa sa mga ofw.

nice post

bizjoker-of-the-philippines said...

jett, salamat sa pagdaan sa blog ko.

Ayoko na nga sanang magpatunay pa ng husto tungkol sa pagiging OFWs natin..kaso mukhang pera ang turing ni bubuwit sa OFWs..ewan ko ano nakain nun...sinabi namang tingnan muna ang expiry date ng kakainin e. Nakakain tuloy ng panis.

Para sa akin ang mahalaga ay yung importante!

Cheers!

Ken said...

ako Rio, Worried talaga ako sa pera ko sa Atm ko, mukhang pera kaya ako na OFW. hehehe, by the way, nabasa mo na ba ang post ni Desert Aquaforce? He declared Blog War sa mukhang Amag daw na yun. hehe.

bizjoker-of-the-philippines said...

oo nabasa ko,
eto na nga naghahanda na ako at magma-marcha na patungong digmaan.
hehehe!

Hwag ka mag-alala sa pera mo, maso-solve din yan, minor defect lang ng system nila yun...baka nakulangan sa follow yang kausap mo jan sa bangko.

Wag mo lang pabayaan sa follow up..

Mike Avenue said...

Naging masalimuot ang isyung ito dahil na rin sa kakulangan ng iba sa impormasyon ng mga bagay na kaakibat ng buhay OFW. Mabuti ang mga ganitong artikulo, naghahain ng mga matitibay na mensahe upang lubos na makaunawa ang lahat sa sinusuong na mga sitwasyon.

Ang hatid na impormasyon ay maigi sanang maisaksak ng lahat sa utak upang sa susunod ay makagawa ng isang akdang hindi buhat sa nalalabuang mga paningin.

Mabuhay ka, Rio!

bizjoker-of-the-philippines said...

Salamat, Mike.
Wala pa man ang bagong mong page, in-add kita.

Ang inaasahan ko sana dun sa taong iyon ay gumawa ng hakbang na tulad ng inaasahan nyang pang unawa mula sa atin..kaso hindi. Sya na nakasakit, sya pa ang pag-aadjust-san, tama ba yun?

Anyway, iba-iba talaga ang displina ng tao.

Mabuhay ka rin, Mike.

Blog Widget by LinkWithin

The Journey by Leah Salonga

TPHigh 1989 Sa'n Na Nga Ba'ng Barkada?

TALIBANS IN THE NEWS AGAIN (Actual Footage)

JUST TO LET YOU KNOW THAT I KNOW

Sign by Danasoft - For Backgrounds and Layouts