Friday, July 24, 2009

Alisin ang Travel Ban -NOW na!




I don't know if most of you will agree with the idea of lifting the ban in war-torn countries like Iraq and Afghanistan. Well of course iyong nakaisip ng travel ban will strongly oppose on this with a hard slam on her table. Immigration also will jump in to support her in her idea of continous imposition of travel ban, including hundreds of illegal recuiter based in Dubai and in Central Luzon (lalo na!)

Napapanahon na bang alisin ang ban na ito?
Ano ang mga parametro para malamin nating dapat na ngang alisin ang travel ban sa Iraq at Afghanistan?

Para sa akin ito ang mga parametro na dapat isaalang-alang, kundi man kalahatan, ito marahil ay iilan at dapat kunin nating ang pag bentahe at pag dehado sa bawat parametro:

Security Situation
Job Oppurtunities
Victims of Situation
Heavy Expenses
Welfare of Workers
Market Value
Direct Violence Against OFWs
Direct Violence Against Non-combatant Non-OFW

Ang nangyayari kasi dahil alam na ng marami na tahimik at condusive na to be a working environment ang dalawang bansang ito, alam na nilang bearable ang security situation sa halos lahat na lugar dito, hindi pa rin nirereview ang imposition ng ban. Although may kakaunting lugar na talagang maituturing na uncontrolled pa, ito ay nasa malalayong lugar. Parang kasing layo or mas malayo pa sa distansya ng Manila at Jolo, nakita ba nating nabahala tayo sa ganyang distansya? At naitakda na ang limit nito para mapangalagaan ang "sanitized areas" sa pagpapalaganap ng peace and order dito.


(iba na nagpinagkakaabalahan ng mga may baril dito e)
At dahil nga naituturing nang magtahimik ang karamihan sa lugar dito, ang job oppurtunity ay nasa labas na ng base militar, outside the wire ika nga. Ang mga opisina ng malalaking US-based companies ay nasa Kabul City na, nagkalat ang mga iba't-ibang lahi na patunay lamang na controlled na ang sitwasyon dito sa Afghanistan. Ang Iraq sa kabilang banda ay hindi na dapat ipaliwanag kung matahimik na at ligtas. Matatandaang ibinabalik na ng gubyerno ang embahada natin dito e..so sila na mismo ang nag-assessed nyan.

Ganito kasi yun, kung aalisin ang deployment ban, makikinabang ang maraming OFW sa mga bansang ito, maibababa ang unemployment rate sa Pilipinas sa gitna ng global crisis. Ayun sa prediction ng mga financial analysts, aabutin ng ilang taon ang global depression. Kung ganun bakit, di natin tingnan ulit ang puntong pag bibigay ng trabaho sa maraming nakatungangang Pinoy sa Pilipinas na nais mag trabaho pero walang mapasukan. Haayaan natin ang daan-daang Pinoy visit visa holders sa UAE na makarating sa mga lugar na ito.

Nandito ang pera ng UN, ng US at ng NATO at bilyun-bilong dolyares ang inilalaan sa re-construction ng Iraq at Afghanistan.

Habang may global crisis, patuloy ang paglustay ng tatlong ito para dito sa pagsasaayus ng sinira nila h'wag lang silang mapulaang nagkamali sila sa pag-sakop sa mga bansang ito. Nakaraan naglaan na naman ng mahigit na $17Billion ang US government kung saan nakuha ng Fluor at Dyncorp ang mga kontrata sa LOGCAP 4 or Logististics and Civil Augmentation Program -4 para suportahan ang mga GIs dito.

Kung napapansin nyo, mababa na ang market value ng OFW sa Saudi at UAE dahil sa mga pagdagsa ng Bangladeshis, Indians, Sri Lankans at Nepalis na pawang mga cheap labors. Dahil sa murang labor costs nila, naapektuhan ang Pinoy sa presyuhan at napipilitan tayong sumabay sa mababang pa-sweldo kundi mawawalan tayo ng pagkain sa mesa.

Iba dito sa Afghanistan at Iraq, nanatiling mataas ang market value natin. Pero dahil nagdagsaan ang Pinoy na dumarating at dito na naghahanap ng trabaho, ang iba ay napipilitang tumanggap ng sweldong mas mababa sa US$1500 para sa ordinaryong skilled worker. Pagnatili ito, baba na rin ang market value natin sa katagalan. Ito ay dahil sa nauubusan na ng budget ang mga naka-stand by dito at kailangan na nilang magpadala ng pera sa kanilang pamilya. Naka-standby po sila dahil namimili sila ng mas mataas na offer which is normal lang.

Sa pag alis ng travel ban, ang teribleng gastos ng OFW ay maiiwasan dahil di na nila need mag visit visa, mabibigyan sila ng terms sa pagbabayad ng placement fees ng mga placement agencies (well mas ok pa rin ang direct hire, ungas kasing maningil ang mga agencies e-ganid!). Sino pa ang mabibiktima ng illegal recuriters na mangangako ng trabaho tapos sila mismo mga wala ngang trabaho? Nagiging mabango ang mga OFW sa illegal recruiter dahil sa extreme na pangangailangan ng Pinoy, lalo na ang mga nagmamadaling makapagtrabaho. Alam nyo naman ang mga illegal recruiter, dati nasa Pinas lang ang mga yan..ngayun sa UAE na rin sila dahil nandun ang mga nagmamadaling magkatrabaho. And guess what? Ang mga lintek na illegal recuiters may mga doctorate degree na sa panggagancho...wtf! improving din..!

Sa pagpapaigting ng ban, isaalang-alang dapat sa evaluation ang mga nabibiktima ng kinakatatakutang gera, kunin ang statistics ng mga direct victims ng hostile fire versus direct victims ng illegal recruitment. Kumuha sila ng ng kaukulang data ng mga Pinoy na na-biktima ng karahasan dito at sa Iraq at ng iba pang migrant workers anuman ang lahi, saka nila sabihing delikado pa ang sitwasyon dito. Natural hindi kasali ang naaaksidente kundi yung namatay or nasaktan dahil sa hostile activities. Kung maalis ang travel ban mas lalong mapapangalagaan ang welfare namin dito, kasi may sumbungan kami. Lahat ng karapatan at benepsiyo ay mababatantayan at maipapatupad although naibibigay naman ang karamihan sa welfare benefits. May magko-caution na sa mga employers tungkol sa karapatan ng OFWs, at mamomonitor ang galaw ng deployment ng Pinoy. Kaso nga nangunguna sa kaduwagan ang opisyales natin..TV pa lang pinanonood nanginginig na sa takot. Ang tanging nakikita kong pagtaas ng panganib dito ay ang pagdami ng nagiging biktima ng illegal recruiters, dahil sa patuloy na pag exploit sa travel ban.

Nagpahayag nung 24 July 09 ang POEA tungkol sa pagkakasabi kong walang oppurtunity sa Pinas (ininterview nga ako ng GMA7...tinago pa ako sa tunay kung palayaw, damn!). Sabi ng POEA marami raw ang oppurtunities sa Pinas at di na dapat mag-abroad. Kami lang ba ang kausap nya sa pahayag nyang iyon or lahat ng OFW sa buong mundo? Kasi kinukumbinsi nya raw na mag-entrepreneur ang mga Filipino para di na mangibang-bansa at may mga success stories na raw sila...hehehehehe!

Inday, bago kami maging enterpreneur need muna naming mag OFW kasi awan ti kwarta..djay ti banger.. (tama ba ilokano ko poging(ilo)cano?). Kung di na need mag-abroad ng OFWs dahil sa sinasabi nyang upurtunidad..ala eh..gibain na yang POEA at yan ay inimbento para sa amin.
Uwian na!
Uwian na!
Ganito po ang pangarap ko

Kung aalisin ang ban, dapat magkaroon ang gubyernong Noy-pi ng ganito sa Iraq at Afghanistan:

Identification sa Airport
Registration ng OFWs
Monitoring ng Job site
Benefits under contract
Location of Accommodation
Employment Pre-Requisit Document from Consulate

Dahil mahilig na rin tayo sa imbensyon ng polisiya, e di eto imbentuhin natin ito.

Kunya-kunyarian lang ha... e di kunyari may kunsulado na tayo sa Kabul so maglalagay sila ng representative na may personalidad at walang balbas sa Kabul International Airport para sapul lahat na darating na Pinoy. Lahat na Pinoy na kararating lang imbis na salubungin ng banda, dadaan sila kay Mr. Personality para i-verify kung ano ba lakad nila sa Afghanistan o sa Iraq, " 'Tol ano atin?"
Sa ganitong paraan maaabisuhan sila na, "Repapips de-hins ka pwede dun...baka matsugi ka."

Mahalaga ang registration para sa dumarating at umaalis na OFW, need explanation?

Mahalagang malaman ang jobsite, baka ang tubero sa iba mapunta at sila matubo sa "ano".

Mahalagang malaman ang laman ng kontrata at ang mga benepisyong napapaloob dito, baka pasko na wala ka pang bonus e. Sino babasa ng contract? Sige ako na lang babasa, ako nakaisip e.

Mahalagang malaman ang mga pansamtalang tirahan nila dito baka hindi na sila naliligo e. Lalo ang mga Pinoy na naghahanap pa lang ng work. (dapat malaman ang bahay nila nang madalhan sila ng adobo pag tanghalian)

Gawing requirement sa employment ang pakikipag uganayan muna ng Pinoy at ng kaniyang magiging employer sa consulate. Makiki-coordinate ang kunsulada sa lahat na employers na gawing isa sa requirement ng pagtanggap ng OFW ang pagdaan kay Mr. Personality (kaya dapat si mr.personality ay mag-inarte sa pag approve kung walang tocinong suhol).

Sa totoong buhay lang ha, dapat lang magkaroon ng consulate dito ang Pinas dahil may Pinoy dito e pero ang nangyari iniwan tayo sa ere at iniasa tyo sa embassy sa Islamabad.
Ayaw sigurong nilang umupa dito, di naman need na malaking office e, kahit sa tabo na lang sila mag office ang mahalaga may "personal touch".

So di na need maglagay sa recuiter, mag visit visa, magpa-escort, di na need magtanong-tanong kung sino nagpapaalis sa Dubai papuntang Afghanistan at Iraq. In short less expenses, less worry, less creation of Task Force, less victims at less ang kalabaw na maibebenta sa walang katuturan. Napapanahon nang pag-isipan ang mga bagay na ito. Naaangkop pa ba ang trip nilang "tamang-hinala"? Sayang ang bilyones na budget para sa mga bansang ito ng US, NATO at UN.

Eto ang the best...at pwede nyo ring gawin kung nasaan man kayong bansa naroroon... Halleeer MS. POEA listen up, yo! Yung sinasabing entrepeneurship ay dito natin gawin dahil mas maganda ang cash flow sa abroad. Kumuha ka ng sponsor mo na local bolahin mo para makapagtayo ka ng negosyo, dito sa Afghansitan napakaraming gumagawa nya...so bakit nila iiwan ang Afghanistan?

Thursday, July 23, 2009

ANO BA GINAGAWA NG OFW SA AFGHANISTAN?



Una sa lahat, nirerespeto ko at nakakiramay ako sa mga pamilya ng mga nasawi sa Kandahar Helicopter Crush, sila'y kadugo naming mga beterano sa warzone, 'wag na natin sila tawaging bayani baka may mang-asar na naman sa ating mga OFW pag tinatawag tayong bagong bayani. Bagong Bayani lang tayo sa revenue pero di naman talaga ganyan ang turing sa atin... tayo ang mga makakatas na inahing baka.

Nainterview ako last night ng taga-GMA 7. Nagpakilala siyang Rolly, kaibagan ni Blogistang Mulong (Naks Naman), o baka sya na mismo yun. Itinago ako sa tunay kung palayaw, hehehe! Tikas!

Five questions yata ang pinaka-main na tanong nya, at yun ay recorded. I trusted GMA 7 dahil may mga kumpare ako dyan at mga naka-dikit na rin na mga reporters. Pero ang GMA na walang 7 ay hindi dapat at kahit kailan man dapat paniwalaan . Sana kung ii-ere ni Rolly ang phone interview, buo at wag putol-putulin para lang maiba ang meaning.

Ito ang mga tanong.
Kamusta na ang buhay ng Filipino sa Afghanistan, ano ba ang buhay ng OFW sa Afghanistan?
Hindi ba nababahala ang OFW dito sa Afghanistan sa pinaigting na travel Ban?
Hindi ba kami natatakot dito sa Afghanistan dahil sa pagkakamatay nung 10 Pinoy sa pagbagsak ng Mi-8 Helicopter sa Kandahar Airfield?
Ano ang work ko dito at ano ang work ko sa Iraq?
Ilan ang Pinoy sa Afghanistan?
Ang ultimate na tanong ito na maaaring yun ang trick dun, paano nakakarating ang OFW sa Afghansitan?

Ito ang mga sagot ko, sa maraming sagot ko at dahil may birthday nang gabing yun (July 23, 2009) medyo iniwan ko ang mic at ang kantang "Lady" para pagbigyan si Rolly. At para sa entry kong ito hahabaan ko na.


Usual ang buhay ng Pinoy sa Afghanistan, trabaho sa umaga, bonding after work, shopping pag day off, inuman pag may okasyon at videoke ang hindi mawawala. Tulad rin kami ng ordinaryong manggagawa, napunta dito para mag trabaho, kumita, mag-ipon, maglibang. Makikipagsaya sa mga kaibigang patuloy na nagbibigay ng tiwala, tulad ng mga Kano. Nalulungkot rin kami pag tinatamaan ng homesick. Masaya kami pag pay day at pag may extrang income. May naiinlove at may napo-fall out of love. Kasi tao pa rin ang OFW sa gitna ng Iraq at Afghanistan. Ang term na pakikipagsalaparan ay generalized... kahit saan ka nakikipagsapalaran ka. Kahit nasa Pinas ka, kahit wala ka sa warzone, kahit nandoon ka sa Vatican kung ang pakay mo ay upang itaguyod ang kinabukasan mo at ng iyong pamilya ikaw ay nakikipagsalaparan.
Mali kasi ang imagination ng ibang tao sa sa salitang pakikipagsapalaran dito sa Afghanistan at doon sa Iraq. Akala nila pakikipag-pantentero sa lumilipad na bala para makatawid papasok sa upisina..Ala ey... mali po kayo. The phrase "search for greener pasture" knows no boundary. And the term itself is packed with struggles and sacrifices and great deal of INTELLIGENCE. The cow in the field sees no fence and respect no boundary if there is abundant food across, di ba? Gigibain nya ang bakod mo pag alam nyang mas matataba ang damo sa kabila, at yan ay kasalanan ng may-ari ng baka dahil hindi nya ginawan ng paraan ang kanyang tumana na magkaroon ng masaganang damo. Hindi nga kami mga baka pero pareho ang pangangailangan namin sa greener pasture.

Dito sa Afghanistan, mas malaki ang chance na magkaroon kami ng maayos na buhay at pamumuhay at napakaliit ng tendency na madisgrasya kami or umuwi kami ng luhaan, pero sa Pinas wala ka na ngang chansa, malaki pa ang chansa mong mamatay sa gutom, ma-abuso, masaktan ng ibang tao, at may tendency kang gumawa ng bagay na labag sa kalooban mo para lang magkaroon ng magandang buhay....AND FOR GOD SAKE, hwag na sana makipagtalo sa amin ang mga taong wala naman dito at nakakakita ng paligid ng Iraq at Afghaninstan. Hwag nyong imaginin ang mga war movies or mga video sa YouTube dahil noong unang panahon pa yan. Nangyari yan sa kasagsagan ng shooting war. May shooting war dito pero naka schedule at dun yun sa walang maraming Kanong sibilyan. Natural dun nila dadalhin ang barilan malayo sa tendency na magkaroon ng civilian casualties..common sense po iyan. At papayag ba naman sila, ang NATO at UN na makalapit ang kalaban..halleeeer!

Walang mas magaling kesa sa amin pag dating sa sitwasyon dito at wag nyo paniwalaan ang ibang mga duwag na media natin... nakiki-interview lang yan at walang first hand view yan dito. Exempted ang Kapuso Network syempre hehehe! bias ako e... (what's up Ederick Villegas...inum tayo pag uwi ko!)

Wala dito ang Philippine Embassy!
Wala dito ang DOLE!
Wala dito ang DFA!
Wala dito ang Malacañang!
Walang Filipino Media dito!
Wala silang lahat dito na nagsasabing NAKAKATAKOT sa Iraq at Afghanistan... nandun sila sa laban ni Pacquiao, nandun sila sa political meeting nila, nandun sila sa EDSA at nagpapapogi...

Nandun sila sa lugar malayo dito habang ginagastos ang contribution ng OFW sa Iraq at dito sa Afghanistan na 13 Billion Pesos annual revenue... Nandun sila sa greener pasture nila....tapos kami na nasa lugar na ito..idadamay nila sa pagpapagwapo nila sa 2010 election, pero kahit wala naman kami...gagamitin nila ang names namin upang bumoto sa kanila as absentee voters..di ba sobrang abuso na yan?


Ngayun paano nila nalamang ganun pa rin ang sitwasyon dito? E nung first term pa nila yun? Naalala ko nang pumunta si Roy C. sa Baghdad... pag uwi nakasabay ang mga magbabakasyon, finish contract at mga terminated na OFW at ito ang sinabi....hahahaha! Nag-media exposure e nakumbinsi nya raw ang mga kakabayan nating umuwi at sumunod sa travel ban hahahaha! chance passengers nga lang sila e. Na-timing pang may incoming nun sa Baghdad...parang daga sa bilis mag-bunker...WTF! Eto namang mga sawing kababayan natin matapos magpasaway dito, gagawa ng istorya na nakakalungkot para makahingi ng tulong sa gubyerno... tapos mandadamay... whooow! (ayan natatawa tuloy sa kaniya yung sadikk kong Afghan.. Roy are you f_kin' kidding me)

Bakit kami mababahala sa pinaigting na ban... e kada may bad news...laging ginagamit yang PINAIGTING.... isa lang ibig sabihin nyan..mas malaki na lagayan. Yun pong mga OFW na namatay sa pagbagsak ng helicopter ay aksidente...at yan ay very elementary...nangyayari yan sa lahat ng sulok.. aksidente nga e..halleeer! Ipagpalagay pang hostile fire yun lagi namang may ganynang opinyon e..laging may hostility kahit saan. Hindi solusyon ang travel ban..yan ay solusyon ng mga taong tamad mag isip. Nakidnap si Dela Cruz sa Iraq, alam nyo ba bakit na-kidnap yun? ilan ba silang nakidnap na OFW....hindi lang kasi mga blogista yung mga nakasama nyang nakidnap e.. kundi lahat kayo magigising sa katotohanan...pataka lang bitaw'g istorya kining mga dili bisaya.

Pinauuwi kaming may magandang buhay dito, para ano? Willing naman kaming umuwi kung meron silang alternatibo na pwedeng ipalit sa offer na oppurtunity dito...e kaso nga wala!..puro pauwi na lang pauwi. Ano gagawin namn sa Pinas, a-attend ng TESDA para mag-titinda ng kakanin? Global Crisis na nga dadagdag pa kami sa unemployed. NI walang siguradong lilipatang kumpanya sa ibang bansa para sa amin e. Hindi madali ang lahat gaya ng naiisip nila. Saka paano kami bubunutin dito? E kami ay under ng isang legal na kontrata ng aming mga kumpanya...maaring labag sa mata ng gubyerno ng Pilipinas ang pagpasok namin dito, pero legal ang contract namin, sige nga kung matalino kayo.. i-void nyo nga ang kontrata nang mabibin ang mga istraktura dito at iba pang proyektong funded ng UN, US at NATO. Hindi tayo naghahamon, pero hindi kami mga botanteng nag-aabang ng bibili ng boto at madadaan sa bolahan, maging makatotohanan tayo sa mga pinapahayag natin. Kasi kami ay di nakakaharap sa media, kaya sila lang ang nagsasalita at sa mga pahayag na binibitawan nila ay nababahala ang aming mga pamilya at kaibigan.

Kung matataandaan nyo sumulat tayo kay VP de Castro noong 2007 dahil sa maling akala nila sa sitwasyon dun sa Iraq at dito http://www.gmanews.tv/story/68519/OFWs-appeal-Lift-the-ban-to-Iraq-Afghanistan. Wala kasing eleksyon noon kaya dedma tayo, hehehehe! E ngayun may magandang istorya bagay sa election season..ayun habulang daga na naman sila. Kung ilang beses na sinasabing hindi sulusyon ang BAN sa issue... pero ginigiit pa rin nila...ilang taon na ba ang travel ban? pero mas marami yata ang nandito ngayun kesa nung unang lumabas ang ban. So ano ibig sabihin nyan?
Mas marami ang naakit matapos may mga OFW na nakauwi at nagbigay ng mga patotoo na mas luntian ang damo rito at ang kinatatakutan ng pamahalaan ay malayo talaga sa katotohan. Mabibiktima ka rito kung puro pera iisipin mo, tulad rin kung nasa Pinas ka. Tama ba?
At dahil sa pinupulutan na naman ang travel ban sa lahat na tumpukang ang iinuman, wala munang magbabakasyon amin...haaaay! miss ko na ang San Mig Lights.. postponed! Mauudlot ang inaasam na relaxation dahil lang sa di pinag-iisipang travel ban.

May debate na ba sa travel ban? or trip-trip lang.

Ilan daw ba ang Pinoy sa Afghanistan? Well kahit scientific calculator gamit ko...di ko mabibilang sila at wala akong balak bilangin sila dahil di ako taga Census Office. Ang masasabi ko kada kumpanya dito palagay may Pinoy...e kami ang kanilang Dragon Balls dito e...kami ang bato ni Darna... at pag nalakad ka sa Kabul City, daming tatawag sa yo ng "pare", sa loob ng military base, tatawagin kang "kabayan" so marami kami. Sa sobrang dami at sa laki ng sweldo namin, sabi nga ni Engr. Ted Mirasol at Engr. Jorge Javelosa... ang laki ng revenue ng Afghanistan kesa sa OFW ng Taiwan, marami sila in terms of volume pero ang per capita dito...hey! ang laki talaga.


Isa rin ang tanong na kung di kami nababahala sa pagbagsak ng Mi-8 Helicopter sa Kandahar Airfield, ang sagot ko bakit ako mabahala. Nag eeroplano ako pag pumumunta sa Kandahar. Isa pa disgrasya yan, walang may gusto nyan at alisin natin ang espekulasyon, masyadong wild ang imagination natin. Wala ngang nabahala sa paglubog ng mga barko ng Sulpicio Lines na mas marami ang namatay, nang atakehin ng terorista ang LRT at ang Makati, wala ngang nabahala, tuloy ang buhay di ba? Nalungkot kami syempre dahil bukod sa pumanaw sila sa isang tradehya, nariyan pa ang mga pangarap na nabinbin para sa kanila. Ang kinabukasan ng mga anak at ng lahat na umaasa sa kanila ay nawala na parang bula. Pero under sa Defense Base Act or DBA, mandatory yan dito, sila ay tatanggap ng insurance. Kung sa Pinas kaya sila nadisgrasya, may insurance kaya? Hwag kang plastic, alam mong wala! Meron SSS or GSIS...pero dudugo ilong mo bago ka makuha..gigimikan ka pa..


Ano raw ba work ko sa Iraq at ano ang work ko dito..well pareho lang pero syempre tumaas lang ng konti ang posisyon. Iyan din ang advise ko sa mga kababayan nating pupunta dito, kung ordinaryong karpentero ka or mason, dapat pagdating dito, leadman ka na or foreman, kahit di mo pa naranasan kasi lamang ka na sa mga lokal dito e dahil articulate tayong pinoy. Ang sistema natin ay pasok sa panlasa ng mga expats dito. Saka kung kapareho mo lang ang lokal dito, mas pipiliin sila dahil mura ang labor pay nila. Bukod dun kakaunti ang leadmen or foremen dito, kakaunti ang supervisor na local dahil wala pa yatang trades school dito pero may mga universities sila. Kaso mas marami ang hindi kayang mag-aral dito, kaya kakaunti ang qualified mag lead. So maganda ang pagkakataon natin dito upang yumabong sa larangan natin.

Ito ang pinaka-cream of the crop na tanong, paano nga ba kami nakakarating dito? OK..ang hint ko yung luma nang style na alam ng marami..dumadaan daw yung iba sa Dubai. the rest...SECRET! ano kayo hilo? E di nahirapan naman kami...basta sa amin dito, ang pagpunta rito ay calculated risk!


















Si Sgt. Calangian yan nakita ko sa Kandahar Airport, K9 Handler sya dun.



















Yan si Ronaldo Dorado, ang matikas na Lead Scheduler..tanging TCN ng Taji na Certified ng KBR sa Scheduling..kasama ko yan dito. At si Mark Wilson ang brick mason. Ito si Danny, ang "hero" ng Camp Taji, Iraq at nagkita kami dito sa Kabul kagabi.. back in the old days...












Blog Widget by LinkWithin

The Journey by Leah Salonga

TPHigh 1989 Sa'n Na Nga Ba'ng Barkada?

TALIBANS IN THE NEWS AGAIN (Actual Footage)

JUST TO LET YOU KNOW THAT I KNOW

Sign by Danasoft - For Backgrounds and Layouts