"Thank you very much for the overwhelming introduction and let me thank you as well for inviting me today to witness the celebration of the 2009-2010 intellectuals.
Isang magandang umaga sa lahat na naririto, una sa lahat sa mga kapwa ko magulang, mga minamahal nating mag-aaral, mga panauhin at sa mga magigiting at masisipag na guro at pamunuan ng ating Alma Mater, T. Paez Integrated School.
Like most of you today, once upon a time, nakaupo rin ako dyan bilang isa sa mga students that will be recognized to their efforts and sleepless night of studying. Pero sasabihin ko sa inyo na pagkatapos nyong matanggap yung mga certificates and medals, you will start to dream again. Yung ilan sa inyo, will speak to his own self, “next year honor uli ako”, yung iba, “
Ang araw na ito ay mahalaga dahil ito ang output ng pinagpaguran nating lahat. Mula sa ating mga magulang na bumili ng uniforms, nagbigay ng baon . Sa mga guro na nagtiyagang turuan kayo sa bawat academic subject, sa mga namumuno ng school para bigyan kayo ng maayos at masistemang paaralang at siempre kayo mga students na nagsunog ng kilay to learn. Ang araw na ito ay pagbibigay pugay sa Edukasyon. Well, I truly believe that everyone knows what education is, but to simply the meaning, ang pagkakaroon ng edukasyon ay ang pinakapangyarihang instrumento para makaahon sa kahirapan, para maging pantay-pantay ang level ng buhay at higit sa lahat para magkaroon ng matibay na kaalaman sa pagsulong ng ekonomiya ng ating bansa.
Ang pagkakaroon ng edukasyon ang siyang matibay na paghahanda sa hinaharap. Ito ang huhubog sa ating pagkatao at isipan na kakailanganin ninyo sa pakikisalimuha sa kapwa, pag-resolve ng iba’t ibang problema, personal man or panlipunan, at pagpapatakbo ng sarili niyong buhay tungo sa katuparan ng inyong mga pangarap.
Ako po ay isa sa mga ordinaryong magaaral ng
Ang edukasyon ay hindi lamang pagpasok sa paaralan, at pag uwi sa hapon. Pagsagot sa examination at paggawa ng assignment. Whatever we learned inside the classroom, we should definitely apply it in our everyday living. Lahat naman ng mangyayari sa araw araw nating pamumuhay ay dini-discuss ng mga teachers sa loob ng classroom. Kaya walang dahilan para hindi maging maayos ang buhay natin, walang dahilan para maging ikaw ang nasa low point. Ang problema lang sa karamihan sa atin ay binabalewala ang lahat ng itinuro sa atin ng paaralan. We ignore it, we ignore the teachings. But good news is, hindi pa huli ang lahat! It is not too late for you to open your notebooks and review what you have written and apply it in your everyday lives.
When I was in my review school for the CPA board exams, one of our reviewer told us, “ilista nyo ang course outline ng board exams. Write a check kung master mo na ang subject from top to bottom. Take note the words “kung master mo na, hindi sinabing me alam ka na, dapat master daw?. Kapag merong isang outline na walang check, don’t take the board exams”. Proud say, lahat kami followed his advice, and in my case 100% naman may check bawat line item. But did it mean papasa na kami? In addition, sabi nya uli, “hindi porket me check lahat papasa ka na, aim high, dream to be a topnatcher kaya dapat sa pre-board magsikap kayong maging topnotch!” Whew! Pressure yun noh? So lahat kami aim high din, puro aral, sehodang putaktihin ng pimples ang face sa kakapuyat, at matulog sa school para lang mag-aral. Siguro sasabihin nyo OA! But we truly did it! Luckily I was in the top 10 during my CPA pre-board exams. I passed the CPA board (take one) pero hindi ako topnatcher. The morals of the story? Kailangan din pala ang determinasyon at perseverance to acquire the education upang maging part of our system.
Ang kasalukuyang generation at ang susunod pang generation ay maswerte. Kasi high tech na, communication is so easy. Ang pag-aaral ay hindi na mahirap. Google it! (Site more examples). Gumagastos nga kayo ng 25 pesos para magdota sa internet, makipagchat sa GF or BF online, at makipag tsimisan sa Facebook. Why don’t you spend your time in the internet café answering your assignments?
- Google it! Ang sabi ng assignment notebook, “define education”, e di punta ka sa google or yahoo. Type lang “ define education” enter. Naku! Makikita mo kung ilang milyon ang meaning ng education ang lalabas.
- O cge, subukan nyo, type nyo (-34)+(-65). Magugulat pa kayo kung ano makikita nyo. Meron drawing ng calculator.
Google it! Kapag natutunan ninyo yun, magaling pa kayo sa text book nyo. Panis ang assignment ni Ma’am!
Sa mga mag-aaral na narito ngayun, enjoy life. Maging masigla at masaya kayo habang nag-aaral. Enjoy reading books, enjoy listening to your teachers, enjoy solving your assignments. Enjoy going to school every day. This way, malamang sumakit ang ulo ng mga teachers nyo kung sino ang first honor at the end of the school year at kahit pa wala kang honor, ikaw pa rin ang panalo! Because, you earned the most powerful knowledge that no one can take away from you. Hindi pwedeng isanla, di pwedeng manakaw ninuman ang EDUKASYON.
Ang pinto ng paaralang ito ay laging naghihintay sa inyong pagpasok, ang inyong mga guro ay laging handang magturo para sa inyo. Ang inyong mga magulang ay nagbabanat ng buto para makapag-aral kayo. Books and school supplies are there for you to use, and most especially the knowledge are always there for you to gain. The only thing you need to do is, study it and embrace it! Having a good education is the key to a brighter future.
To all the recipients of today’s celebration…Congratulations! And keep up the good work!
Thank you very much for listening, your energy and enthusiasm are appreciated. Mabuhay tayong mga Paezians. "